DOH Orders Termination of Nurse Volunteer Programs

Daisy Jane Antipuesto RN MN

Currently a Nursing Local Board Examination Reviewer. Subjects handled are Pediatric, Obstetric and Psychiatric Nursing. Previous work experiences include: Clinical instructor/lecturer, clinical coordinator (Level II), caregiver instructor/lecturer, NC2 examination reviewer and staff/clinic nurse. Areas of specialization: Emergency room, Orthopedic Ward and Delivery Room. Also an IELTS passer.

17 Responses

  1. Mrs. Pam says:

    Wala akong masabe. It’s been 6 years na since gumraduate ako. Ang dame ko na ring pinasukan, School nurse, Company nurse and now Call center na ko. Sobra na talaga. Dapat di na i- offer sa mga universities ang course na ‘to hangga’t di nila nabibigyan ng trabaho ung iba. Pasalamat nga ako sa mga BPO companies na yan kasi tumatanggap ng Nurses, kung di san na kame pupulutin??

  2. beeboktech says:

    The DOH is making a decision that is not aware of its consequences. This would result to more unemployed nurses. Many countries abroad are accepting 1 year clinical nurse experience whether you are paid or not as long as you are working as a nurse. Now, private and even public hospitals are not accepting trainees or volunteers due to this memorandum. What will the new graduates do? Apply at call centers? Private hospital will only accept trainees or new nurses for new employment but that would be limited to a few numbers only.

    May I suggest that PRC or PNA or DOH would rather regulate the training or volunteer program of hospitals. They should require hospital providers for a training plan, budget, etc. AND NOT JUST MAKE RASH AND STUPID DECISION.

  3. kjane says:

    nalulugkot talaga ako. dalawang taon na akong nurse, next year magrere-new na ako ng license, wala pa rin akong makuhang trabaho as staff nurse.. hindi basta-basta ang apat na taong pag-aaral sa kursong, at ang tuition fee sa pag-papa-aral tapos, wala palang makuhang trabaho.. nasa, huli ang pagsisisi, if only i had known six years ago, sana nakatulong na ako ngayon para sa pamilya at hindi tulad ngayon na isang pabigat na palamunin.. na-aawa ako sa sarili ko, sa pamilya ko, pero anong magagawa. ititigil ko na ang mag-volunteer at maghanap ng trabaho as a call center agent kung papalarin…kawawa talaga tayo, ang laki-laki ng gastos, ng pagod, makatapos lang ng kursong ito. kahit pa sabihing fulfilling ang magserve sa ating kapwa, oo nga masarap yong feeling na may natutulongan ka, may naaalagaan ka.. pero sa bahay, sa mga problemang pinansyal, wala kang maitulong sa pamilya, napakasakit, napakadepressing, talagang awang awa na ako sa sarili ko..kaya, kakalimutan ko muna pansamantala ang propesyong mahal ko..paalam muna sa ngayon, white uniform at cap.. paalam muna, kahit mabigat sa loob. sana maisuot uli kita at sana makita ko muli ang mga ngiti ng aking mga pasyente sa hospital..

  4. carlo fabros junio says:

    end of the line?, mr.ona, hindi na nga levelled ang playing field sa pinas, ang may job security lang na pinoy eh yun mga anak ng diyos, sila yun may kamagaanak na pulitiko mula tanod hanggang office of the president, nangyayari? ikaw makakasagot yan, at kung sa mayayaman naman sila yun handang pumatay ng oras at maglustay ng pera para mabayad para maging nurse, ang mga kaibigan ko na nasa top section, cumlaude, up graduate. . ano na? nasa sales at yun iba naman tambay, eh yun mga nakaupo bilang staff nurse nakilala ko makapapatay pa ng patient at hindi alam ang pagregulate ng oxygen tank? aysus ona. .ano na? madaming karapat dapat na matanggap palamuti lang ang hr ng mga hospital para masabi nagsasala sila? o para masabi may proseso? naku. . kakalungkot.

  5. jupiter says:

    nakakalungkot talaga sa aming mga nurse,pag mag aapply ka as staff nurse need nila ang experience.paano kami magkaka experience wala nga kaming mapasukan na hospital.if mag volunteer ka naman need ang backer or mag pe pay kami.

  6. cupcake says:

    may career pa kaya kaming mga nurse? katulad ko ako ang inaasahan ng aking pamilya nagka utang utang sa pagpapa aral sa akin up to now wala pa akong trabaho. may 2 pa akong kapatid hindi makapag aral dahil nagbabayad pa ang parents ko ng ipinagpa aral sa akin.wala bang magagawa ang gobyerno natin? sabi nila mag aral ka para makakuha ka ng magandang trabaho,wala din pala kahit naka tapos ko.

  7. nars makatao says:

    Alisin ang bayad na kinokolekta ng mga ospital. Ito ay maliwanag na nagpapakita lamang na napagkakwartahan ang pangangailan ng eksperyensa ng mga bagong nars na walang pagkakataong maempleyo.

    Ang terminasyon ng Volunteerism ay di patas na pagtrato sa mga nagsusumikap na narses na nagnanais mag uwi ng magandang kinabukasan sa kani-kanilang pamilya. Sana ay makosidera ang muling pagbubukas at pag aanalisa ng pagputol sa programang malaking naitutulong sa mga narses na tanging pag asa ng kani-kanilang pamilya.

  8. ako si nars says:

    Good but what will happen to us?..actually we really do lack and need a lot of staff nurses in the gov.t hospitals but the problem with it is that nag-rerely na lang sila sa pagkuha ng mga volunteers & trainees that are willing to pay for a certain amount just to have experience & cert. & ang masaklap is hindi naman as staff nurse ang nakalagay sa cert. kundi as trainees and yet the kind of work that were doing is the same as a staff nurse.. Naka2tipid na nga ang mga gov.t hospitals na ito they're earning additional money pa coming from as nurses who are willing to pay for & di ba when were still students we also pay for our OJT to these gov.t hospitals! so why not hire more staff nurses and san napu2nta un mga earning nila coming from us!?..PNOY wake up..

  9. gee says:

    If hindi na pwedeng magvolunteer, may nakaline-up ba ang DOH or government na program for trainings para matanggap tau sa work? We cannot apply if we don't have trainings..di ba ganun naman talaga. Kung saan nalang ba may training like we pay for IV Therapy.

  10. Aurelia says:

    I think the DOH must have to re-consider the other side of volunteership.In hospitals with understaffing problem, honestly and practically, it is a way of augmenting the staffing problem at the same time.. solving the unemployment problem in the country. While training these fellow nurses to be equiped with the necessary knowledge, skills and attitude they lack from studentry, we are enabling them to be hired by other countries giving them opportunity to meet their dreams of employment that we see the country can not provide for our thousand graduate nurses. I think Training fees in hospitals accredited with training modules can be justified and be kept to a minimum. DOLE OUT is discouraged and TRAINING needs resources to be succesful..this should be reconsidered by the DOH to be FAIR with those hospitals who are collecting minimum fees for training needs..NOT for PROFIT because this can be against R.A 9418

  11. Anonymous says:

    Anonymous: I know that hospital. Is it the one in Taft na talagang government hospital pa? Naku sila dapat una magfollow ng memorandum no….

  12. Dave says:

    ayan na sec. Ona wala ng training programs at volunteer dito sa Baguio GOODJOB! pero ano na kami ngayon? tambay? yun na nga lang nakikita naming paraan para makakuha ng maisusulat sa resume. Sana bago mo pinatupad yan inisip mo kaming mga bagong graduates at kung san kami kukuha ng experience at kung may kukuha bang hospital sa amin kung sakali. Shoutout kay PNOY! gumising ka naman na pwede ba?

  13. ernurse says:

    guys training fee yan at wag na kau magcomplain regarding jan dahil di masama magbayad kung kapalit nmn ay experience at learning!!..

  14. Emea says:

    anu na mangyayari sa mga nars na walang makuhang work as staff? hays ayusin sana to ng got. kawawa sila. kawawa kami.

  15. jinky says:

    nilabas naman na pala ang meomorandum na ito, but still many hospitals pa rin ang nagpapavolunteer? meron nga magsstart na ng october at december? paanu tong mga 'to? parang walang nangyayari… ung hospital nga kung san aku nagapply sabi "TUITION FEE" daw… ?????

  16. Anonymous says:

    kami nkaka1 week na nagbayad kami ng 10k paano na kaya un?

  17. dee says:

    You have completed Communicable Disease.
    You scored 22 out of 25.
    Your performance have been rated as 'Very Good'